Sunday, May 25, 2014

One Direction Fan Kinuyog

One Direction in Manila
(Source: Twitter)
 Isinugod sa ospital ang isang One Direction fan matapos ang isang riot kaninang hapon sa Mall of Asia Arena. Ayon sa mga saksi, naganap ang riot matapos maibenta ang huling ticket para One Direction concert sa 2015.

Sabin ng isang One Direction Fan na ayaw magpakilala, “Meron daw isang lalaki na naghihiyaw kanina, pinagyayabang na sa kanya daw ang huling ticket ng 1D concert. Ayun, nagkagulo na.”

Kinalala ang kinuyog na lalaki bilang si Julito Ramirez.

Ayon sa iba pang mga saksi ay ibinandera ni Ramirez ang huling tiket matapos niya itong bilhin sabay sigaw ng “Akin ang huling tiket. Bye bye mga losers. Bwahaha.”

“Ang lakas naman kasi n’yang mang-asar,” kwento ni Anna na isang Directioner, “Lagpas isang araw kaming nakapila dito tapos yan ang gagawin niya? Talagang bubugbugin siya.”

Nagtamo ng maraming pasa si Ramirez na ngayon ay ginagamot sa Philippine General Hospital.

“Ang tiket ko, ang tiket ko,” ani ni ng biktima bago siya tinurukan ng pampakalma.
.

No comments:

Post a Comment