“Hindi na dapat magtaka ang mga tao kung bakit malakas kumain ng pork ang mga buwaya. Natural na pagkain ng buwaya ang pork,” ito ang naging pahayag ni Department of Science and Technology (DOST) Mario Montejo sa isang press conference.
Isinagawa ang press conference sa gitna ng umiinit na isyu tungkol sa masisibang buwaya na gumagala sa Metro Manila. Layunin ng press con na pakalmahin ang mga tao tungkol sa isyu.
“Marami na kaming ginawang pag-aaral tungkol sa mga buwaya. Napatunayan namin na gustong-gusto nila ng pork. Pare-pareho lang ang mga buwaya. Yung mga buwaya galing sa Luzon, yung mga buwaya galing sa Visayas, yung mga buwaya galing sa Mindanao...hilig ng mga ‘yan ay pork,” paliwanag ni Montejo.

Isa sa mga patunay na natural na pagkain ng buwaya ang pork. |
Nagpakita pa ng mga litrato ang DOST Secretary bilang patunay na natural sa buwaya ang kumain ng pork.
“Pagpasenyahan na po natin ang buwaya. Natural lang kasi talaga sa kanila ang pagkain ng pork. Pagbigyan na lang natin sila. Hopefully puputok ang mga tiyan ng mga ‘yan sa sobrang dami ng kinain nila,” sabi ni Montejo.
No comments:
Post a Comment