Saturday, August 17, 2013

De Lima Nag-Alok ng 3 Milyon Bounty, Napoles may Counter Offer

Nag-alok si Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima ng 3 milyong pabuya sa mga taong magtuturo sa lokasyon ni Pork Barrel Scam queen Janet Lim-Napoles. Napilitan na si De Lima na magbigay ng pabuya matapos biglang mawala na parang bula si Napoles.

“Bigla na lang nawala yang si Napoles matapos ilabas ang warrant of arrest laban kanya. Nahihirapan na yung NBI at pulis sa paghahanap sa kanya,” paliwanag ni De Lima.

Ikinatuwa naman ito ni PNP Chief Alan Purisima.

“Yes. Matutuwa ang mga pulis nito. Gaganahan na silang hanapin si Napoles,” dagdag ni Purisima.

Pinagtawanan naman ni Napoles ang pabuyang inaalok ni De Lima.

"Bring me De Lima." - Janet Lim-Napoles.


“I have so much money. Kaya kong itaob ang 3 million nila. I give you a counter-offer. Bibigyan ko ng sampung milyong piso ang sinuman na magdadala sa akin kay Leila De Lima.” Sabi ni Napoles sa video na inilagay niya sa kanyang Facebook page.

Sinabi rin ni Napoles sa video na walang makakahuli sa kanya at walang makapagtuturo sa pinagtataguan niya.

“Sumuko na lang kayo at bumalik na lang kayo sa pagtsitsimisan tungkol sa mga artista.” Payo pa ni Napoles sa mga Pinoy.

---

No comments:

Post a Comment