Aktibista enjoy sa libreng paligo ng gobyerno. |
“Mamimigay kami ng libreng paligo,” Ito and inihayag ni Presidential spokesman Sonny Coloma sa Malakanyang press briefing isang araw bago ang pagbisita ng Supreme Overlord Barack Obama sa Pilipinas.
Binanggit ni Coloma na ang libreng paligo ay bahagi ng paghahanda sa pagbisita ng Supreme Overlord.
“Napag-alaman namin na marami sa Maynila ang hindi naliligo,” dagdag ni Coloma, “Hindi matutuwa ang Panginoong Obama kapag naamoy niya ang tao.”
Inatasan na ni Presidente Aquino ang Bureau of Fire Protection na libutin ang buong Maynila para sa Oplan Libreng Paligo. Nakiisa rin sa proyekto ang mga fire volunteers sa Metro Manila.
Tuwang-tuwa naman ang mga aktibista sa sa programang ito ng gobyerno. “Ito ay isang magandang proyekto ni PeNoy” pahayag ni Christian ng Samahang Magbubukid ng Makati, “mababawasan na din ang pangangati ng aming balat.”
Ayon naman kay Gary Lopez, presidente ng Kilusang Mayo Uno, na ipinapakita ng gobyerno ang kanilang pagtulong sa mahihirap. “Ang buti ng ating Supreme Overlord,” pahayag ni David, “maliban sa proteksyon sa Visiting Forces Agreement ay may libreng paligo pa tayo.”

---
Image source: Pilipino Star Ngayon
No comments:
Post a Comment