Tuesday, December 17, 2013

Lider ng Martilyo Gang Tiklo

Thor kinakalaban ang SWAT.
Halos masira ang isang mall sa Greenhills, San Juan dahil sa labanan sa pagitan ng mga pulis at lider ng Martilyo Gang na kinilala sa pangalang Thor.

Ayon kay San Juan Police Chief Renato Caballero na nakakuha sila ng tip na may bibiktimahin na isang jewelry shop sa Greenhills.

“Inalerto na agad natin ang lahat ng pulis natin sa San Juan,” paliwanag ni Caballero, “humingi din kami ng tulong sa mga pulis sa ibang lungsod.”

Hindi naging madali ang paghuli kay Thor dahil sa kanyang lakas at makapangyarihang martilyo. Ilang gusali ang nasira bago nahuli ang lider ng Martilyo Gang. Wala naming namatay sa nangyaring labanan ngunit limang daan ang nasagutan.

Tuwang-tuwa naman ang Malakanyang sa pagkakahuli sa lider ng Martilyo Gang.

Sa pagkakahuli kay Thor ay itnuring na ng pulisya na "case closed" na ang insidente ng pagnanakaw sa SM North.

No comments:

Post a Comment