(Source: Solar News) |
“Bago na ang Maynila” - ito ang ipinangako ng bagong alkalde ng Maynila na si Joseph Ejercito-Estrada sa kanyang proclamation rally isang araw matapos ang eleksyon.
Naglitanya sa buong programa si Erap tungkol sa masamang kahulugan ng kulay na dilaw. Ayon sa dating-presidente na isa ring ex-convict, ang dilaw daw ay kulay Hepatitis at kailangang burahin sa buong lungsod.
Upang malutas ang problemang ito ay inihayag ni Erap ang kanyang priority projects para sa Maynila. Ito ay ang palitan ang kulay dilaw ng machong kulay na orange.
Unang tatamaan ng proyektong ito ang mga yellow boys traffic enforcers na tatawagin nang orange boys. Gagawin na ding orange ang kulay ng lahat ng poste, sidewalks at pader sa buong lungsod.
Ipinagako rin ni Erap na papalitan niya ng mukha niya ang lahat ng poster ni ex-mayor Alfredo Lim na nakakalat sa buong Maynila.
Sawa na sa Dilaw
Tuwang-tuwa naman si Aling Nena, isang may-ari ng karinderya sa tapat ng La Salle. “Sawang-sawa na ako sa dilaw. Gusto ko naman ng bagong kulay. Maganda ang orange,” aniya. Wala namang masagot ang tindera kung ano ang magagawa ni Erap sa anak niyang nakatira sa ilalim ng tulay.
Ayon sa mga political analyst ay natalo sa Alfredo Lim dahil sa nagsawa na ang mga Manilenyo sa kulay dilaw. Sa tingin ng mga tao ay walang originality si Lim dahil parang kinopya n'ya lang ang dilawang kulay ng mga Belmonte sa Quezon.
No comments:
Post a Comment