Monday, May 4, 2015

Kaya Natalo sa Laban: Pacman Kinulang sa Alaxan

Pacquiao vs Mayweather
(Source: The Independent)
LAS VEGAS, Nevada – Ibinulgar kahapon ni Caoch Freddy Roach ang pananakit ng balikat ni pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao bago ang naging laban niya kay Floyd Mayweather Jr. Ang injury sa balikat ni Pacaman umano ang naging dahilan ng kanyang pagkatalo.

“Manny felt a little pain on his right shoulder but we ignored it. We thought that we had enough Alaxan in our medicine box”, paliwanag ni Roach sa after-the-fight conference kahapon.

Ayon pa kay Roach na bugbog sarado sana si Mayweather kung tatlo, imbes na isang tableta lang ng Alaxan ang nainom ni Pacman.

Ayaw naman banggitin ni Roach kung sino ang may kasalanan sa kulang na supply ng Alaxan.

“Finding the person at fault is useless now”, ani ni Roach, “what we are doing now is to find another medicine that is as effective as Alaxan.”

Ipinaliwanang pa ni Roach na nagpapahinga pa si Pacman kaya hindi nakadalo sa conference. Wala naman daw dapat ipag-alala ang Pacquiao fans dahil nasa mabuting lagay naman ang People’s Champ.

No comments:

Post a Comment