Monday, August 12, 2013

Pacquiao vs Haddadi Ikakasa Na

Inihayag ni Top Rank promoter Bob Arum na kinakausap na nila ang national basketball team ng Iran para sa posibleng laban sa pagitan nina Manny "Pacman" Pacquiao at Iranian basketball player Hamed Haddadi. Ito ay matapos pahirapan ni Haddadi ang Philippine national team na Team Gilas sa final game ng FIBA 2013 sa MoA Arena.

(Source: Mar Louie Ferrer)

"We are really hoping that Iran will agree for a fight between Pacman and Haddadi. This will be the fight of the century." dagdag ni Arum.

Sinabi ni Jinky Pacquiao na gigil na gigil si Pacman na pataubin si Haddadi sa boxing ring. Nais ng boxing legend na ipaghiganti ang pagkatalo ng Pinas.

Umepal naman si Floyd Mayweather at sinabi na lalabanan din n'ya si Haddadi basta 90% ng kita sa pay-per-view ay mapupunta sa kanya.

No comments:

Post a Comment