Saturday, July 14, 2018

ANYARE Pakyaw?!

Manny Pacquiao Noon at Ngayon

Matindi talaga ang epekto ng pera at kapangyarihan sa isang tao. Exhibit A: Manny Pacquiao.

Noong baguhan pa itong boksingerong ito ay may hawak pa s'yang rosaryo at matindi daw pananalig niya sa Diyos. Pero ngayong mayaman na s'ya at isa nang pulitiko ay nag-iba ang paninindigan. Hindi na siya maka-Diyos.

Oo nga at sinasabi n'ya na daw mahal n'ya ang Diyos at nagba-Bible study pa s'ya at isa pang pastor (?) pero ang naging reaksyon n'ya sa "stupid God" na pautot ni Digong ang siyang tunay na sukatan sa dedikasyon n'ya Diyos.

Heto and sabi n'ya ayon sa news report ng ABS-CBN:

"Hindi ako masyadong na-update sa mga balita sa social media. Narinig ko lang na may statement siya pero hindi ko pa nababasa," 
"I heard sa mga pastor na makipag-audience sa kaniya. Dito sa atin, iba-iba ang paniniwala natin. Nirerespeto natin ang bawat isa, ang bawat paniniwala. At kung anuman 'yung malalim na dahilan ay hindi natin alam, kaya hindi tayo puwede magbigay ng comment."

Anak ng ampalayang palusot 'yan. Hindi daw alam ang balita. Kung totoo man yan ay patunay yan na isa syang mangmang na Senador dahil hindi s'ya updated sa current events. At hindi man lang siya magkokomento kasi iba-iba ang paniniwala natin? PWEH! Dapat dito kay Pakyaw ang nilulunod sa Ampalaya Juice.

Wala ka na Pakyaw. Pang-labas na lang ang paniniwala mo sa Diyos. Darating ang panahon na papasok sa isp mo na sana hindi ka na lang naging sikat - na sana hindi ka na naging mayaman - na sana hindi ka nanging politico - dahil sa panahong iyon ay malalaman mo na ang kayamanan mo at kasikatan mo ang bumulag sa iyo at naglayo sa iyo mula kay Kristo.

P.S. Sa pagiging kapit tuko mo kay Duterte, wapakels na ako sa boksingan mo kay Mathysse. Uminom ka na lang ng Ampalaya Juice bukas kapag ikaw ay matalo.  

No comments:

Post a Comment