Ipinatupad ngayong araw ang bagong ordinansa ng Lungsod ng Maynila na nagbabawal sa mga tao na pumasok sa lungsod. Ayon kay Vice Mayor Isko Moreno, ginawa nila ang ordinansa na ito upang maalis na ang siksikan ng mga tao sa Kamaynilaan.
Vice Mayor Moreno at Mayor Erap, ibinida ang bagong Human Ban Ordinance. |
“Mapapaluwang na natin ang Tondo, ang Quiapo, Divisoria at ang buong Taft Avenue na laging siksik sa dami ng mga tao”, dagdag ni Moreno.
Siniguro ni Mayor Erap Estrada na papasukin pa rin ang ilang mga tao sa Maynila. Magbibigay sila ng certification para sa mga taong pwedeng pumasok sa lungsod. Ang bawat isang certificate ay nagkakahalaga nang 1 milyong piso at itatak sa noo upang masigurong hindi mapepeke.
Lim Unang Nakatikim ng Ordinansa
Ipinatupad agad kaninang alas-dose nang madaling araw ang nasabing ordinansa. Unang nasampolan ay ang dating Manila Mayor Fred Lim at kanyang mga taga-suporta.
Kinumpirma ni Manila Police Chief Marcelo Garbo na kanilang pinaalis si Lim alisunod sa ordinansa.
“Pinalangoy na namin si Dirty Harry sa Manila Bay. Isa kasi siyang tao at bawal na ang tao dito sa Maynila,” pahayag ni Garbo.
---
Image source: GMA News Online

No comments:
Post a Comment