Monday, March 4, 2013

Mga Patay Sumugod sa CBCP

Nagsagawa ng kilos-protesta ang humigit-kumulang 100 na mga naagnas na miyembro ng NPA o “Nagkakaisang Patay at Aswang” sa opisina ng CBCP kahapon ng tanghali. Ito ay isinagawa matapos na ipaskil sa Cathedral ng Bacolod ang tarp ng Team Buhay at Team Patay.




“Hindi kami takot sa Team Patay!” sigaw ng mga nabubulok na bangkay sa harapan ng nakasaradong gate ng CBCP.

Inihayag ni Alfredo Dimacabangon, tagapagsalita ng NPA, na tama lang ang paglalagay ng “Team Patay” tarp sa Bacolod. “Marami kaming mga patay at kung susumahin ninyo mas marami pa kami kaysa sa mga buhay”, giit ni Dimacabangon habang pilit na ibinabalik ang nalaglag niyang braso.

Bigla na lang natapos ang kilos-protesta ng mga patay nang kumalat ang balita na parating na ang mga exorcists ng Simbahang Katolika.

No comments:

Post a Comment